Home Community Events Internet Voting sa Hong Kong sa Darating na 2025 Midterm Election, ayon...

Internet Voting sa Hong Kong sa Darating na 2025 Midterm Election, ayon sa COMELEC

internet voting sa hongkong4a

Nagsagawa ng training ang Commission on Election (Comelec) at Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga overseas Filipino workers (OFW) leaders para sa darating na overseas voting ng mid-term election sa taon 2025. Ang training na inorganisa ng Philippine Consulate sa Hong Kong ay ginawa noong nakaraang Linggo, December 3, sa Sheraton Hotel.

Para sa mga OFWs, ang mid-term election ay pagpili o pagboto ng 12-Senators at isang Party list.

Nakapaloob sa training ang paghahanda para sa internet voting sa Hong Kong.

“Ngayon 2025, gagamitin na (ang internet voting) sa mid-term election”, sagot ni Commissioner Marlon Casquejo nang tanungin kung kalian magsisimula sa paggamit ng internet voting.

Una din daw ang Hong Kong na binigyan ng training sa bansang Asia.

Ang panawagan sa mga kapwa-OFW na magparehistro sa susunod na election ang isang bahagi na ng training kung saan ay mga lider ay nagpakita ng kanilang husay sa pagbuo ng mga paraan paano makapag-engganyo ng kababayang Pinoy na magparehistro.

internet voting sa hongkong3
Mga lider ng OFW organization sa Hong Kong na dumalo sa DFA/Comelec training

Paliwanag pa rin ni Commissioner Casquejo na ang mahalaga ang pagrehistro para sa interned voting.

“Yes, kasi, di ka makakapag-enrol sa internet voting kung di ka naman overseas voter, kaya kailangan maparehistro muna, dito sa Hong Kong at sa ibang post except sa mga mga lugar na ay internet restriction”, ayon kay Com Casqueho.

“So, pag may internet restrictions hindi makapag access ang ating mga kababayan, balit tayo sa automated..Pero, definitely Hong Kong ay internet voting”, dagdag pa ni Comm Casquejo.

Binigyan diin ni Usec Jesus Domingo, ng DFA, ang suporta sa pagkakaroon ng internet voting sa susunod na election para sa mga OFWs sa Hong Kong.

Ayon sa konsulado, may higit na 80 ang dumalo sa training kabilang dito ang mga lider ng iba’t ibang organisasyon at ang staff mula sa DFA, Comelec at Konsulado dito sa HK.