Home Featured Stories Inaresto ang OFW sa viral video na tumatawid ng kalye hawak ang...

Inaresto ang OFW sa viral video na tumatawid ng kalye hawak ang alagang bata

OFW arrested for maltreating kid

Inaresto ang OFW sa viral video na tumatawid ng kalye hawak ang alagang bata

INARESTO ang 37-anyos na babaeng Filipino sa kasong “Abuse or Neglect of a Child or Juvenile in Custody”, kahapon, 13 September. ayon sa ulat ng Pulis ng Hong Kong.

Ang pag aresto ay nagmula sa kumakalat na video na ang isang babae ay karga ang bata na halos sinasakal habang tumatawid ng kalye malapit sa MTR Tin Hau station noong 12 September.

Ang Pulis mula sa Eastern District Crime Unit ang may hawak na inbuistugasyon sa nasabing kaso.

Samantala, ayon pa sa Pulis ng HK, ang 4-na-taong bata ay umano walang injury silang nakita at conscious ito sa oras ng kaniang inbestigasyon. Ang pamilya ni bata rin daw ang magdadala sa clinic para sa medical examination,

Sa kasalukuyan, ang Pinay ay pansamantalang nakalaya at patuloy na mag-uulat sa Pulis sa October. Ang kaso ay nasa ilalim ng Eastern District Criminal Investigation Team 2.

Bilin naman ng opisyal ng Department Migrant Office (DMO) sa ilalim ng Assitance to Nationals (ATN) na si Antonio VIllafuerte  na mag-ingat ang ating mga kababayang overseas Filipino workers (OFW) sa paggampan ng kanilang gawain dito sa Hong Kong at may batas na sinusunod.

Ayon pa kay Villafuerte “Magbibigay kami ng tulong sa nasabing OFW at aming imo-monitor ang kanyang kaso”.