Fake News ang umanong ihihinto ang Facebook at YouTube sa Hong Kong ayon sa HK Gov
Fake news umano ang balitang lumabas sa isang news outlet na nagsasabing ang ilang social media platform, Facebook, Youtube, ay iba-ban, ayon sa Gobyerno ng Hong Kong.
Ilang OFWs ang nagpadala ng mensahe sa HKPinoyTV na umano ay sila ay nakatanggap ng inpormasyon na ititigil na umano ang nasabing mga social media platforms sa Hong Kong.
Sa nilabas na paliwanag noong 6 March ng Gobyerno ng Hong Kong, kinondina nitoang lumabas na balita.
“The Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) Government today (March 6) strongly disapproved of and condemned Bloomberg’s news headlines “HK says Telegram should be prohibited in Article 23 proposal” and “HK says Signal should be prohibited in Article 23 proposal”, and its report headlined “HK Security Law Public Consultation Lists Facebook, YouTube Ban”, which falsely reported that the HKSAR Government would legislate to ban the operation of the mentioned platforms in Hong Kong, thereby generating misunderstanding and panic regarding the legislative proposals on Article 23 of the Basic Law.
The HKSAR Government solemnly stated that it has not proposed to ban the operation of any social media, video sharing or streaming platforms in Hong Kong.”
Hiniling din ng Gobyerno ns ang Bloomberg ay maging patas sa pagbabalita upang huwag magkaroon ng maling pag-unawa sa ginagawang batas ng Hong Kong.
“The fake news as published by Bloomberg has undermined its trustworthiness and credibility in the media sector. We request Bloomberg to ensure that future reports concerning the Basic Law Article 23 legislation would be fair and just to avoid any further misunderstanding by its readers.”