Home Hong Kong Fake ang Balitang Hindi Bibigyan ng Visa ang Domestic Worker Na Hindi...

Fake ang Balitang Hindi Bibigyan ng Visa ang Domestic Worker Na Hindi Nagbabayad ng Utang, ImmD

Fake Notice

FAKE ang kumakalat na balita na ang Immigration Department (ImmD) ng Hong Kong ay hindi mag approve ng visa kung and domestic worker ay may utang at kung ito ay hindi nakakabayad ng utang.

Sa natanggap na kopya na umano ay “Urgent Immigration New Rule” mula sa ilang kababayang OFW ay agad na tumawag ang HKPinoyTVNews sa ImmD upang i-verify ito.

Sa telephone interview sa staff ng ImmD, agad na pinabulaan na ang “Urgent Immigration New Rule” ay hindi totoo o ito ay FAKE.

Paliwanag ng staff ng ImmD, ang inpormasyon ay nakasulat sa papel na walang logo at pirma ng opisyal ng ImmD, kayat klaro na ito ay fake. Sa lahat ng official communication ng ImmD sila ay gumagamit ng kanilang letterhead na may logo ng departamento nila.

Ang mga bagong regulasyon o batas ay kanila din nilalagay sa website ng ImmD.

Ang mga bagong batas o regulasyon mula sa Gobyerno ng Hong Kong ay ina-anunsiyo rin ng maayos mula sa kanilang department, dagdag pa ng ImmD.

Nagkakaroon din ng Press Release ang mga departamento ng Gobyerno ng HK sa mahahalagang panawagan o pagbabago sa regulasyon at kung minsan ay may Press Conference.

Paalala ng ImmD sa mga nakakatanggap ng mga inpormasyon mula sa kanilang departamento ay agad tumawag sa kanilang Hotline sa numero 2824 6111 or mag-email sa immd.gov.hk.