Nai-ulat sa online media outlet ng The Standard na sinabi ng lawmaker mula sa sector ng Technology and Innovation na si Mr. Duncan Chiu ang paraan para makaiwas sa dumagdagsang dami ng scammers na nagpapanggap na public officials.
Ang phone number na nagsisimula sa numerong “1”, ay dapat gamit lamang ng Gobyerno ng Hong Kong at pampublikong institusyon para maka iwas sa mga scammers na nagpapanggap ng opisyal ng gobyerno, ayon kay Mr. Chiu.
“When telecom service providers received several reports from the citizens that a phone number may belong to scammers, they could deregister the phone number,” sabi ni Chiu.
At para umano matigil ang panloloko mga scammer na ginagamit ang gobyerno at mga departamento nito, ang numerong nagsisimula sa “1” ay nagpapakilala na numerong hindi scam ang tumawag.
Ang binanggit na mungkahi ay reaksiyon ni Chiu sa mga na usapin ng mga mambabatas ng Hong Kong para labanan ang mga nagaganap na pag-scam sa Hong Kong.
Sa ulat ng Gobyerno ng Hong Kong, mula sa Secretary for Security Mr. Chris Tang Ping-keung, sinabi nito na may kabuuang 4,729 na arestado sa salang panloloko sa nagdaang 10-buwan ng taong ito. Ang bilang ay tumaas ng 50% sa nagdaang taon.
Dagdag pa nito, may halos 400,000 na local na numero ng telepono ang na blocked at ang telecom services ay kinansila ang registration nito mula sa bilang na 1.3 milyon na phone cards sa nagdaang mga buwan.