Home Environment BALIK sa normal ang HK pagkatapos hagupitin ng Signal No. 10 ng...

BALIK sa normal ang HK pagkatapos hagupitin ng Signal No. 10 ng bagyong Saola

TyphoonSoala_1693714947877

Minimal lamang ang pinsalang gawa ng bagyong Saola sa Hong Kong ayon sa Gobyerno.matapos makaranas ng hagupit ng lakas ng Signal No.10 noong Biyernes,na umabot ng ilang oras,

Pasado alas-4:00 ng hapon kahapon ng ibaba sa signal sa No. 3 (mula sa No. 10,bumaba sa No. 8 bandang alas 3:00 ng madaling araw, Sept 2).  

Ang bagyong Saola ang pinakamalakas na bagyong dumating sa HK sa taong ito.

At ngayon, Linggo, walang nakatakdang bagyo o Typhoon Warning Signal.

Ayon sa ulat ng Gobyerno ng HK, apektadong lugar ng bagyong Saola ay Waglan Island, Cheung Chau, Green Island, Stanley, On Ping at Tate’s Cain.

21 na lugar naman ang binaha, at 86 na tao ang naulat na nasaktan gawa ng bagyo Saola, ayon pa rin sa Gobyerno ng HK.

Ayon naman sa HK Airport Authority, may 480 na flights schedule kahapon matapos ng ilang oras nang pagtigil ng paglipad ng mga flights noong Biyernes.

Matatandaan, limang taon nakaraan, taong 2018, ang bagyong Mangkhut ay umabot din ng Signal No. 10 na mas may malaking pinsalang dala nito kaysa sa bagyong Saola.