Home PHL News ASEAN declaration vs trafficking in persons ipinakakasa ni PBBM

ASEAN declaration vs trafficking in persons ipinakakasa ni PBBM

PBBM in ASEAN_Indonesia_Sept2023
PBBM at 43rd ASEAN Summit, Jakarta, September 4-7, Photo credit: PCO

Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ASEAN member states na ikasa ang Declaration on Combating Trafficking in Persons Caused by the Abuse of Technology ng regional bloc.

“We look forward to operationalizing the ASEAN Leaders’ Declaration on Combating Trafficking in Persons Caused by the Abuse of Technology,” wika ng pangulo sa kanyang intervention sa plenary session ng 43rd ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia. 

“As the Voluntary Lead Shepherd for the cooperation against trafficking in persons (TIP), the Philippines will continue to call for more concerted efforts in intensifying regional and international cooperation, especially in mobilizing resources to prevent and combat the abuse of technology in TIP,” dagdag niya.

Nito lamang Mayo ng taong kasalukuyan ay nagdeklara ng kanilang commitment ang ASEAN leaders na labanan ang trafficking in persons na nangyayari sa pamamagitan ng pag abuso ng teknolohiya. 

“Acknowledging that while technology, including information and communications technologies, has become an indispensable element of our lives, particularly during the COVID-19 Pandemic, it has also generated risks and consequences of technology abuse, in facilitating transnational and organised criminal activities,” anila sa pahayag.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay sinabi ng Department of Foreign Affairs na mahigit 90 outcome documents ang target na mailabas, mai-adopt o mabanggit sa nasabing summits.

Kabilang umano sa key outcome documents ang mga sumusunod:

·  Deklarasyon ng ASEAN leaders sa pagpapaigting sa food security at nutrition bilang tugon sa krisis;

·  Individual joint statements sa pagpapalakas ng kooperasyon sa food security sa pagitan ng ASEAN, Australia, Canada, at India;

·  ASEAN guidelines sa proteksyon ng migrant workers at family members sa crisis situation;

·  Pahayag ng ASEAN leaders sa development ng digital economy framework agreement; at 

·  ASEAN joint statement sa climate change sa 28th session ng Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change

Matatapos ang 43rd ASEAN Summit bukas, Setyembre 7 kung saan gaganapin din ang handover ceremony ng ASEAN chairmanship mula Indonesia sa Laos.

Nabanggit din ni Marcos sa parehong intervention na handa ang Pilipinas na i-host ang ASEAN Summit sa 2026. 

Bukod sa Pilipinas, na kabilang sa limang founding members ng ASEAN noong Agosto 8, 1967 ay miyembro rin ng regional bloc ang mga bansang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam. (News Report by Marlon Luistro)