Home PHL News Arestadong Pinay sa Japan na may kasong ‘abandonment of bodies’ nakita umano...

Arestadong Pinay sa Japan na may kasong ‘abandonment of bodies’ nakita umano na bumibili ng kutsilyo, DFA

Arestadong Pinay sa Japan na may kasong 'abandonment of bodies' v2

Ayon sa lumabas na balita ng GMA7 Integrated News ngayong araw, 11 March, iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na may mga lumabas na balita sa media ng Japan na nakita sa CCTV ang Pinay na bumibili ng kutsilyo o patalim bago ang insidente na makita ang katawan ng dalawang Hapon.

Ang videong kuha sa CCTV ay umano isa sa ebidensiya ng awtoridad sa Tokyo laban sa Pinay.

“Ang ebidensya daw, according to newspapers ay ang DNA ng dalawa nakita sa residence at ‘yung sa babae pa nga kasama pa raw sa murder weapon na nakita, na kutsilyo,” pahayag ni De Vega sa Bagong Pilipinas Ngayon.

“Mayroon din daw silang evidence via CCTV na bumili ang babae ng mga daggers, mga kutsilyo, before nangyari ang insidente,” patuloy ni De Vega.

Bagamat sinabi din opisyal ng DFA na ang naturang mga impormasyon ay hindi pa kinukumpirma ng pulisya ng Tokyo sa Philippine Embassy.

Kaugnay nito, madiin na binigyan linaw ng otoridad ng DFA na walang pag-amin ang dalawang Filipino na arestado kaugnay sa pagpatay ng mag-asawang Hapon na taliwas sa kumakalat sa social media.

Matatandaan na lumabas ang balita ng buwan ng Enero ng taong ito na inaresto ang dalawang Filipino na kinilala na si Bryan Lising Dela Cruz, edad 34, at Hazel Ann Baguisa Morales, edad 30, sa umanong kaso ng pag-abandona ng katawan ng mag-asawang Hapon Norihiro and Kimi Takahashi (edad 55 at 52).

Inaresto si Morales noong 19 January at sumunod na inaresto si Dela Cruz noong 23 January.

Unang naaresto ang dalawang Pinoy sa kasong “pag abandona”, pero muling naaresto sa posibleng iba pang kaso dahil sa mga dagdag na nakitang mga ebidensiya laban sa kanila.

“Malalaman natin by March 23 or 24, or bago matapos ang buwan, kung ano ang huling desisyon ng piskalya at kung sasampahan sila ng kasong double murder. Kung ganon, mas lalong todo-bigay ‘yung assistance na kasi seryosong crime ang double murder,” ayon pa muli kay De Vega.