Nakatanggap ang Pulis ng Hong Kong ng tawag bandang alas-2:00 ng hapon kahapon (5 February) sa isang construction worker upang ipaalam na ang kasamahang-katrabaho ay nag-collapse habang ito ay nagtatrabaho.
Agad naman na dumating ang Pulis at ambulansiya sa lugar na pinangyarihan, sa Cheung Tin Road, Terminal 2 ng HK International Airport.
Nadatnan ng otoridad na walang malay ang construction worker na kinilalang lalaking Filipino, 59 anyos, ayon sa inisyal na inbestigasyon ng Pulis.
Ang Pinoy ay nag-collapsed habang nagtatrabaho sa rooftop ng building ng terminal 2, ayon pa rin sa Duty Officer ng HK Police na nakausap ng HKPinoyTV.
Ang Pinoy na walang-malay ay binaba mula sa rooftop gamit ang construction crane kung saan naghihintay ang sasakyan para dalhin siya sa hospital.
Dinala sa North Lantau Hospital ang Pinoy pero, kasamaang-palad, dumating ang Pinoy sa hospital na wala ng buhay.
Ayon sa Pulis ng HK, ang kaso ay classified na “Dead on Arrival” case.