Ang Hong Kong Police ay nag-ulat na ang 31-anyos na Filipino ay inaresto noong 9 October bandang tanghali. Ang pag-aresto ay dahil umano sa pagnakaw sa nawawalang alahas at pera ng may-ari na nakatira sa Tung Lo Wan Road, Causeway Bay.
Bago ito arestuhin, nakatanggap ang Pulis noong gabi ng 27 October ng tawag sa 41-anyos na babae sa parehong address na nagbigay ng inpormasyon sa Pulis na umano ang kanyang alahas na may halagang HK$60,000 at HK$20,000 cash ay ninakaw.
Sa paunang inbestigasyon, ayon pa rin sa Pulis, ang ilang mga alahas na may halagang HK$60,000 ay naibalik sa may ari, pero ang halagang cash na HK$20,000 na umano ay ninakaw din ng Pinay ay hindi na naibalik sa may ari, dagdag sa ulat pa rin sa Pulis.
Ang Pinay ay inakusahan ng salang pagnanakaw o “one count of theft”.
Kahapon, 10 November, humarap sa Eastern Court ang Pinay upang ipaalam ng hukom sa akusadong Pinay ang kasong hinabla sa kanya ng Pulis.