Kasama ang 13 overseas Filipino workers (OFWs) sa 16 na tao na inaresto noong Lunes, 27 November, sa kasong money laundering, ayon sa Pulis ng Hong Kong.
Sa Press Conference kahapon, 29 November, ini-ulat sa media ang ginawang pag-aresto at ang ilang inpormasyon ng inbestigasyon sinagawa ng Financial Intelligence and Investigation Bureau (FIIB) ng Hong Kong Police Force.
Ang mga inaresto, 13 babaeng OFW, 1 babaeng Indonesian, at 2 lalaking lokal, ang mga edad ay nasa pagitan ng 21-54.
Sa paunang inbestigasyong ginawa, ang sindikato umano ay simulang nakikipag-ugnayan sa mga OFWs sa pamamagitan ng social media. Kalaunan ay makikipagkita ang sindikato sa OFW sa mga park o sa ilang restaurants.
Ang sindikato umano ay magsasabi sa OFW na magbukas ng kanilang bangko sa Hong Kong gamit ang online system ng bangko. Matapos maaprubahan ng bangko ang OFW, kukunin ng sindikato ang inpormasyong binigay ng OFW kasama na ang password ng bank account nila, at magbibigay ang sindikato ng pera sa OFW. Sa ilang kaso, nagbigay ang sindikato ng halagang HK$200-500 sa OFW kapalit ng mga inpormasyon ng kanilang bank account.
Matapos makuha ng sindikato ang inpormasyon ng bank account ng OFW, ito naman ang gagamitin ng sindikato sa kanilang panloloko o pang-scam sa iba’t ibang paraan tulad ng job scam, love scam, investment/crypto currency scam, at iba pang paraan.
Ang mga inaresto ay pansamantalang nakalaya sa pamamgitan ng piyansa. Nakatakdang mag-ulat sa korte sa unang buwan ng 2024.
Samantala, paalala ng Pulis ng Hong Kong, “Money laundering” is a serious crime and members of the public should not open bank accounts for use by others or lend them to others for illegal purposes”.
“According to the laws of Hong Kong, any person who knows or has reasonable grounds to believe that any property is being dealt with wholly or partly, directly or indirectly, for the purpose of obtaining the proceeds of a crime commits the offense of “money laundering” and is liable to a maximum fine of $5 million and 14 years’ imprisonment if convicted”, dagdag pa ng Pulis ng Hong Kong.