hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

US$50,000 donated by HK locals for earthquake victims

| November 9, 2013

“Laking gulat namin” ito daw ang reaksiyon ni Vice Consul Charles Macaspac at iba pa nating opisyal ng ating konsulado ng makita ang dokumento mula sa banko na ibinigay sa kanila ng isang grupo ng mga local sa Hong Kong bilang donasyon sa mga nasalanta ng lindol sa Bohol at Cebu kamakailan lamang. US$50,000. ang halagang donasyon ng grupo ng mga Chinese dito sa Hong Kong, Australia at Macau, na binigay nuong Huwebes sa opisina ng Philippine Consulate, ayon pa rin kay VC Macaspac.

Ang ginawa ng grupo ng mga lokal ay pagpapatunay lang daw ng marami pa ring taga-Hong Kong ang nagmamalasakit sa ating bansa at isa daw itong magandang halimbawa na sana ay masuklian ng kagandahang-loob ng mga Pilipino.

Maliban dito, nagbigay na rin daw ang ilang grupo ng mga Pinoy sa Hong Kong tulad ng Philippine Association, Hong Kong (PAHK), UP Alumini at World Medical Support Services- HK (WOMED-HK) at iba pa.

Category: News, Relief Operations

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu