hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

Signing of Memorandum of Agreement (MOA) on Professional Development for Child Care Workers

| February 21, 2018

polo_moa_onchildcare

Sa isang simpleng pagtitipon noong February 14,  nagkaroon pagpirma ng kasunduan sa pagitan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) at ang Next Chapters, isang non-government organization (NGO),  para sa programa na pagsasanay o training ng ating mga kababayang nagtatrabaho bilang mga household service wokers.

Sa pagpirma ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng POLO at Next Chapters, pinaliwanag ni Labor Attache Jalilo Dela Torre na ang NGO ay magbibigay ng professional development for child care sa ating kababayang nagtatrabaho bilang mga household service-workers o domestic workers.
Sa karanasan daw ng POLO at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pakikiharap sa ating mga kababayan, ilan sa problemang hinaharap ng mga domestic workers ay ang pag-aalaga o pagdidisiplina ng mga bata.

Ang ilang pagkakaiba ng kultura na dala-dala mula sa ating bansa at ng kultura ng Hong Kong ay nagiging bahagi din problema sa pag-aalaga sa bata kayat napakahalaga umano ng gagawain training sa susunod na 10-buwan na sisimulan sa buwan ng Marso.

Masaya namang tinanggap umano ng founder ng NGO na si Christina Thamar ang oportunidad na magbigay ng training sa mga Pinoy. Isang mahalagang isyu  daw ang pag-aalaga ng mga bata kayat sisikapin niya ang lahat ng kanyang kakayahan na makapagbigay ng training sa mga domestic workers.
Ang signing of agreement ng MOA ay sinaksihan ng ilang lider ng organisasyon ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at ilang bisita. Ang pagtitipon ay ginanap sa opisina ng POLO. – HKPinoyTV Report

Tags:

Category: Announcements

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu