hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

PCG-HK Forum on Upcoming 2019 Mid-Term Election

| December 12, 2018

Forum on 2019 Mid-Term Election

Nanawagan si COMELEC Commissioner Ma. Rowena Amelia Guanzon sa mga Filipino sa Hong Kong na bumoto sa darating na 2019 mid-term election noong Linggo, 9 December.

Ayon pa rin kay Commissioner Guanzon, halos 50% ang bumoto sa Hong Kong noong nagdaang 2016 Presidential Election kaya’t nanawagan siya na sana tumaas pa dito ang dami ng boto ng mga Pinoy sa Hong Kong.

Isang buwan ang magaganap na election  sa taong 2019 na magsisimula sa buwan ng Abril at magtatapos naman sa buwan ng Mayo para sa mga Pinoy na nasa labas ng ating bansa .

Himukin umano ang mga kaibigan at kamag-anak na nagtatrabaho at naninirahan sa Hong Kong na lumahok sa election ang panawagan pa rin ni Commissioner Guanzon.

Ilan din mga pag-aaral ukol sa election ang pinaplanong isagawa ng ating Konsulado dito. Isa rin sa pinaplano ay magsagawa ng Rock Concert na sya ang magiging event upang ipaliwanag ang kahalagahan ng election sa bawat Filipino para sa pagbabago ng Pilipinas.

Tags:

Category: Community

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu