hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

Pagtatanim ng mga halamang gamot (medicinal plants)

| March 6, 2015
mga halamang gamot: (clock-wise) luyang dilaw, banaba, oregano at gumamela

mga halamang gamot: (clock-wise) luyang dilaw, banaba, oregano at gumamela

Sa panahon ngayon, dumarami na ang gumagamit ng halamang gamot.  Malaking tulong ito para maiwasan ang pagbili ng mga medisina na mataas ang presyo,  kaya ang ilan ay nagtatanim na ng mga halamang ito sa kanilang bakuran. Meron din naman na ang iba ay ginagawang negosyo na ang pagbebenta ng halamang gamot sa iba’t ibang porma.

Ampalaya: gamot sa diabetes at iba pa

Ampalaya: gamot sa diabetes at iba pa

Sa pagtatanim ng halamang gamot puwede rin itong gamitin sa pagluluto bilang sangkap sa pagkain.  Kung gagamitin bilang medisina, puwede itong sariwa, tuyo o gawing langis.

Mayaman ang Pilipinas sa halamang nakakagamot sa iba’t-ibang uri ng karamdaman. Maaaring itanim ang mga ito sa likod at harap ng bakuran o sa paso upang madali tayong makapitas tuwing tayo ay nangangailangan.

Ang Ilan Sa Mga Halamang Gamot Na Madaling Alagaan  At Madaling Hanapin:

* AMPALAYA – alam ng marami na gamot ito sa diabetes at sa mga babaing hindi magkaanak. Ang katas nito ay mainam sa pagtatae. Ang dahon ay mainam na pantapal sa sugat at sakit sa balat. Pinapakuluan ang anim (6) na pirasong murang dahon sa dalawang basong tubig at iniinom ng tatlong beses sa isang araw bago kumain.Ang buto nito mula sa hinog na bunga ay puwedeng itanim.

* BANABA -  pinapakuluan ang dahon nito at iniinom ang tubig para panlunas sa sakit sa bato. Ang balat ng puno nito ay mabuti ring gamot sa diabetes at alta-presyon.

* GUMAMELA – ang bulaklak nito ay mainam panlunas sa pigsa. Dinidikdik ang buko ng bulaklak ng pino at sinasamahan ng kaunting asin at tinatapal sa pigsa. Puwedeng itanim ang mature o magulang na sanga nito sa lugar na nasisikatan ng araw.

Papaya: mabuti sa maasidong sikmura

Papaya: mabuti sa maasidong sikmura

* LUYANG DILAW – ang dinikdik na luyang dilaw ay mainam na gamot para sa pasa na dulot ng rayuma. Itanim ito sa buhaghag na lupa o sandy soil. Iwasan lamang na matigilan ng tubig ang puno para hindi ito mabulok.

* OREGANO – ang dinikdik na sariwang dahon ay mabuting gamot sa kagat ng alupihan, nawawala ang sakit at pamamaga.  Mainam din ang katas nito sa sakit ng ulo at ubo. Madali itong itanim at madali rin mabuhay. Puwedeng itanim ang seed  o cutting – pumutol ng magulang na sanga at itanim sa malusog na lupa.

* PAPAYA – ang hinog na laman nito ay mabuti sa maasidong sikmura na bunga ng labis na paginom ng kape at maaalat na pagkain.  Ang pinaglagaan ng buto nito ay mainam inumin para sa may mga bukol at may kirot o sakit ng katawan.  Ginagamit din ang ugat nito sa paggawa ng antibiotic.  Maaari itong itanim sa pagpili ng magandang lahi ng buto, patubuin sa seedling tray at kapag dalawang dangkal na ang taas o higit pa ay puwede nang ilipat sa permanenteng pagtataniman sa nasisikatan ng araw. Gamitan ng natural na pataba.

Category: Health, Livelihood, Sports

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu