hkpinoytv, hong kong news, pinoy tv, philippines news, ofw

Meet the new Philippine Consul General for Hong Kong, Antonio Morales

| January 16, 2018

Consul General Antonio Morales

Sa pagbubukas ng taong 2018 nagsimula sa panunungkulan ang ating bagong Consul General dito sa Hong Kong.

Sa panayam ng HKPinoyTV, pinaliwanag ni Consul General Antonio Morales na mahalaga ang maging opisyal at mamuno sa Hong Kong dahil ito ang may pinakamaraming dami ng overseas Filipino sa bahagi ng Asia Pacific.

Kasabay ng unang araw ng ating bagong Consul General sa Hong Kong ay ang unang araw din ng Linggo ng buwan na ito, January 7, para sa pagkuha ng passport na merong 10-year validity.

Pinaliwanag ni ConGen Morales ang bagong patakaran sa passport ng Pilipinas na may validity ng 10-taon mula sa 5-taong validity nito at ang ilan pang serbisyo ng ating Konsulado tulad ng bagong sistema ng pagpila gamit ang nakatalagang numero na makikita sa LED screen upang masubaybayan ng ating mga kababayan ang daloy ng kanilang sinadyang dokumento o serbisyo.

Panoorin ang video at mula sa HKPinoyTV atin pong lugod na tanggapin ang ating bagong Consul General na si Antonio Morales.

Tags:

Category: Announcements

Comments are closed.

HKPinoyTV Menu
Menu